^

Bansa

Pagsibak sa parak na sangkot sa droga pinamamadali

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinamamadali na ni outgoing Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento na matanggal sa Philippine National Police (PNP) rooster ang isang pulis na nahulihan ng 100 gramo ng shabu at  P6.9 mil­yong cash sa isang raid sa Sampaloc, Manila kamakailan.

Ang direktiba ay ipinalabas kahapon ni Sarmiento sa National Police Commission at PNP dahil hindi aniya kailangan ng organisasyon ng mga bulok na “itlog” na sumisira sa imahe ng kapulisan.

Si PO2 Jolly Allangan ay naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) agents sa isang drug operation sa tahanan nito sa Sampaloc, Maynila noong Miyerkules.

Iniutos ni Sarmiento kay Napolcom vice chairperson Rogelio Casurao at PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na gumawa ng aksyon upang agarang masibak sa serbisyo si Allangan at magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso nito.

Kasabay nito, pinapurihan ng kalihim ang NBI sa matagumpay na pagkakadakip kay Allangan at pagkakasakote sa misis nito at pinsang si Jeffrey Gutierrez na civilian agent ng NCRPO.

Isinagawa ng NBI ang raid matapos silang makakuha ng impormasyon na isang pulis mula sa NCRPO ang nagtutulak ng droga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nakumpiska mula kay Allangan ang may 100 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia at hindi lisensiyadaong mga baril kabilang na ang M16 rifles habang narekober sa isang vault sa tahanan nito ang P 6.9 milyon. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with