Leftist sa Digong cabinet, OK sa LGBT
MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng grupong lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community ang plano ni President-elect Rodrigo Duterte na maglagay ng miyembro ng kanyang Gabinete mula sa “progressive forces” ng kaliwa.
Ayon sa LGBT Organization, maaaring mailagay sa posisyon sina UP professor at development worker Judy Taguiwalo at dating Gabriela at Bayan Muna representative Liza Maza para pangasiwaan ang Commission on Higher Education (Ched) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si Maza ay kilala sa patuloy na pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga naaapi laluna sa hanay ng mga kababaihan,ng mga kabataan, minorities at champion sa pagkilala sa equal rights at gender justice. Kinilala si Taguiwalo sa malawak na karanasan at kaalaman sa academe at may kakayahan na hawakan ang posisyon sa CHED.
- Latest