^

Bansa

Proklamasyon sa President, VP handa na bukas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang maipoproklama na bukas ng hapon ng joint canvass committee ng Kongreso ang mga nanalong bagong presidente at bise presidente ng bansa na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Camarines Sur Rep. Leni Robredo, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Senator Aqui­lino “Koko” Pimentel III, pinuno ng Senate panel ng komite na siyang nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC), dahil sa maagang natapos ang canvassing noong Biyernes kung kaya agad ding magagawa ng kanilang mga staff  ang joint committee report.

Matatandaan na itinigil ng NBOCs ang canvassing noong Biyernes ng gabi matapos mabilang ang 167 Certificate of Canvass (COCs) kung saan nanalo si Duterte sa presidential race sa botong 16,601,997 habang si Robredo ay na­nguna sa vice presidential race na may botong 14,418,817.

Matapos na ianunsyo ang final o official tally ng komite, agad na inatasan nina Pimental at House Majority leader Neptali Gonzales II ang joint committee secretariat na ihanda ang joint committee report para malagdaan ngayong Lunes ng mga miyembro ng komite.

Kaugnay nito, una nang sinabi ng abogado ni Duterte na si Atty. Vitallano Aguirre na posibleng dumalo muna sa proklamasyon sa Kamara bukas sa kabila ng unang pahayag nito na sa inagurasyon o oath taking sa Hunyo 30 lamang siya dadalo.

Nagbunyi ang kampo ni Duterte sa pormal na pag-anunsyo ng NBOC na ang Davao City mayor ang nanalo sa labanan sa pagka-pangulo.

“Finally victory has been achieved. The official results of 2016 presidential race with Rody Duterte as winner may be anti-climactic, but we should not lose its historic significance,” ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Peter Laviña. “His victory is the triumph of the people, by the people and for the people. Let us celebrate this milestone of Philippine democracy by uniting and working for genuine change,” dagdag nito.

Kinumpirma naman na dadalo sa proklamasyon si Robredo sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Robredo, parang napaka-imposible ng kanyang pagka-panalo subalit nangyari lahat ito.

Tinalo ni Robredo na tinawag na “last man standing” sa vice presidential race ang limang lalaking senador kabilang na ang pumapangalawa sa laba­nan na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na natalo ng may 263,473 boto.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with