Lyceum of Subic Bay Annex, binuksan
MANILA, Philippines - Pormal nang binuksan ang Lyceum of Subic Bay Annex kasama ang APG Int’l. Aviation Academy Inc. na isa sa pinakamaganda sa Asya, ang bagong pasilidad nito sa Freeport.
Ayon kay Alfonso Borda, founding president at CEO ng LSB, tinanggap nito ang hamon at sinabing ang napakahalagang okasyon ay simula ng tunay na pagbabago sa edukasyon dahil ang LSB at APG ay patuloy na magtataguyod sa paglikha ng mahuhusay at maaasahang manggagawa.
Tiwala si Borda na sa tulong ng mga mahuhusay at dedikadong kawani ng LSB at APG, ang naturang bagong pasilidad ay magsisilbing kanlungan ng magagaling sa K to 12 Basic Education at kinikilalang kurikulum sa aviation at aeronautics sa buong mundo.
Ang pinasinayaang bagong pasilidad na tinawag na Lyceum of Subic Bay Annex ay binubuo ng pitong gusali sa loob ng 34,196 s.m. lease area sa Cubi-Triboa District, Subic Bay Freeport ay ipinagkaloob sa LSB ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pangunguna ni SBMA chairman Roberto Garcia noong April 27 sa pamamagitan ng lease contract.
Sumaksi rin kamakailan sa inagurasyon sina APG president and CEO Capt. Arnel Miguel, Emaline Guadez, LSB VP for administration Concepcion Borda, LSB VP for academic affairs, Dr. Diena Oroceo,Jeru Joseph Borda, LSB Vice president for Administration at mga opisyal ng DepEd sa pangunguna ni Schools Divisions Superintendent Dr. Bernadette Tamayo.
- Latest