^

Bansa

Kilabot na tulak, nilikida

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines – Isang umano’y drug pusher na nag-oope­rate sa tatlong  barangay sa bayang ito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay  ng apat na hindi kilalang suspek sa kahabaan ng Roman Highway sa Barangay Mt. View Mariveles kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala ni Bataan Provincial PNP Director P/Sr.Supt. Rhodel Sermonia na si Reynaldo Javier y Maranan, 41-anyos, may-asawa at nakatira sa Upper Balandasan Brgy. Mt. View.

Ayon kay P/Insp. Jennifer Cruz, Bataan PNP Information Officer base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Robin­son Angelo, habang nakasakay ang biktima sa kanyang bagong motorsiklo na Rusi 150cc sa naturang highway ay may apat na kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet na nakasakay sa kotse ang bumubundot at pagsapit sa naturang barangay ay walang sabi sabi itong pinaputukan.

Limang tama ng bala mula sa kalibreng 45 baril ang bumaon sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima na siya nitong ikinasawi noon din.

Ang tatlong lugar na sinusuplayan ng droga ng biktima ay sa Brgy. Cabcaben, Townsite at Barangay Mt. View at ang biktima ay isa sa mga top priority sa talaan ng drug personality sa bayan ng Mariveles Police Station.

Nakarekober  ang mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng limang empty shells mula sa 45 kalibreng baril, 2 slugs at isang folder  na may katagang “DRUG PUSHER WAG TULARAN IKAW NA SUSUNOD”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with