^

Bansa

LGUs humanda na sa pagdating ng La Niña-DILG

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil simula na ng tag-ulan, nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento sa lahat ng local government units (LGUs) na magsagawa ng mga hakbang upang mapaghandaan ang mga maaaring maranasang sakuna sa ilalim ng “Operation Listo”.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang kasalukuyang El Niño ay nasa yugto na ng panghihina at posibleng magkaroon ng pagtaas ng La Niña sa kalahating taon ng 2016. 

Partikular na binalaan ng PAGASA ang mga probinsya ng Isabela, Quezon, Samar, Leyte, Surigao, Agusan at Bicol sa La Niña. 

Sa kanyang direktiba, hinikayat ng kalihim ang lahat ng  provincial governors, city at municipal mayors, at DILG regional directors na gumawa ng hakbang sa kanilang nasasakupan para maiwasan ang anumang maaaring trahedya pagdating ng bagyo.

Para makatiyak, pinagsusumite ng kalihim ang LGUs na regular na magsumite ng status report sa kanilang tanggapan, sa pamamagitan ng  Field and Regional Offices, ukol sa kahalintulad na insidente ng La Niña, kabilang ang pagpaplano, paghahanda at pangkalahatang assessments. 

Ang Operation Listo ay isang advocacy program ng  DILG na ang layunin ay palakasin ang paghahanda sa sakuna ng LGUs gamit ang pangkalahatang pamamaraan ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with