^

Bansa

Sa official tally: Leni wagi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natapos na ng National Board of Canvassers ang canvassing ng mga boto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang pambato ng Liberal Party na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo ang nagwagi sa vice presidential race kontra Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa official tally ng NBOC sa may 167 Certificate of Canvass (COC), natapos ang agam-agam na kung sino ang panalo sa vice presidential race matapos na lumabas na lamang si Robredo na nakakuha ng 14,418,817 kumpara sa mahigpit niyang katunggali na si Senador Bongbong Marcos 14,155,344 na sinundan nina Senador Allan Cayetano, 5,903,379, Senador Chiz Escudero, 4,931,962 at Senador Trillanes, 4,931,962.

Sa pagka-pangulo, nakakuha si  Duterte ng 16,601.997  votes at ang pinakadikit dito ay si Mar Roxas na may 9,978,175, Grace Poe, 9,100,991, Vice President Jojo Binay, 5,416,140, Sen Miriam Santiago, 1,455,532.

Base sa COC ng Northern Samar na hu­ling ballot box, nadiskubre na malaki ang lamang ni Roxas na 100,436 kay Duterte na nakakuha lang na 42,157 habang si Robredo ay nakakuha ng 111,461 laban kay Marcos na 73,214
Sa kasaysayan ng Pilipinas,  ito na ang pinamakamabilis na joint canvassing ng Kongreso kung saan inabot lamang ito ng tatlong araw bagaman unang tinaya na posibleng abutin ng hanggang Hunyo 7. 

Dakong alas-7:15 ng gabi ng i terminate ng joint canvassing ng Kongreso kung saan inatasan ni Senador Koko Pimentel at House Majority floor leader Neptali Gonzales II ang secretariat na ihanda na ang committee report ng canvassing para  sa muling pagbubukas ng sesyon sa Lunes dakong alas-2 ng hapon para maihanda ang proklamasyon ng nanalong presidente at bise presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with