^

Bansa

P7-K sahod ng caregiver, aprub sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na nagtatakda ng minimum wage sa mga caregivers sa buong bansa.

Sa ilalim ng Caregivers Welfare Act, inaprubahan sa ikatlong pagbasa ang P7,000 minimum wage kada buwan ng mga caregivers sa National Capital Region o NCR habang P5,500 sa mga mauunlad na lungsod at munisipalidad at P4,000 sa iba pang lugar.

Mahigpit na ipinagbabawal sa panukala na bayaran ng employers ang kanilang caregivers ng vouchers, coupon, token, tickets o kaya ay bigyan ng promisory note.

Inatasan din ang Department of Labor and Employment (DOLE) na  bumuo ng model employment contract para sa caregivers upang magarantiyahan ang kanilang proteksyon.

Ang haba ng oras ng trabaho ng caregivers ay dapat umanong malinaw na nakasaad sa kontrata. Kailangan din silang masakop ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig.

Magkakaroon naman ng karapatan ang caregiver na putulin ang kontrata sa kanyang pinaglilingkuran sa oras na makaranas siya ng anumang pang-aabuso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with