^

Bansa

PNoy naiintindihan ang pag-alis ng LP members

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi masama ang loob ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga napapaulat na pag-alis ng ilang miyembro ng Liberal Party upang lumipat sa ibang partido sa pagtatapos ng kaniyang termino.

Sinabi ni Aquino na maaaring para sa mga nasasakupan ng mga umalis na miyembro ang dahilan sa kanilang paglipat ng partido.

“Naintindihan natin iyon ano, merong mga napapag-isip kasi sabi nga natin bawat kinatawan siyempre kumakatawan ka lang sa isang distrito, ikaw ‘yung kanilang kinatawan at kailangang pangalaagan mo yung interes ng iyong kinasasakupan,” wika ng Pangulo.

“So, baka sa kanilang pananaw mas matutupad nila yung kanilang mga pangako sa distrito nila sa pagsanib sa ibang grupo,” dagdag niya.

Iginiit ni Aquino na hindi naman sila namimilit na sumanib sa kanila, kung saan aniya ang ilan ay kusang na lamang sumali nang makita ang kanilang pamamalakad.

“Napakaraming gobernardor ang magsasabi hindi ko sila kapartido nung 2010, hindi nila ako tinulungan nung kampanyang iyon at nagugulat sila sa itinulong namin sa kanilang bawat lalawigan at dahil dun kumbaga hindi namin kasama nung araw gusto biglang sumama samin lalo na nitong tailend nitong ating administrasyon,” pahayag ni Aquino.

Inalala pa ng Pangulo ang mga panahon na nagkakasya pa sila sa Volkswagen Beetle na sasakyan dahil sa kanilang maliit na bilang.

“So ito kinagagalak ko na rin, para bang kinikilala nila na talaga namang marami tayong pinagambagan na parang  ‘yung ating mga mata walang tinitignang kulay na kabahagi.”

Nakatakdang iwanan ni Aquino ang kaniyang pwesto sa Hunyo 30, kung saan ang nangunguna sa bilangan na si Davao City Mayor Rodrigo Dutere ang inaasahang papalit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with