^

Bansa

OFW nasagip sa bitay balik Pinas na

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
OFW nasagip sa bitay balik Pinas na
Si Jonard Langamin, isang seaman ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos patawarin ng gobyerno ng Saudi Arabia para hindi matuloy ang hatol ng korte laban sa kanya na ‘death penalty’.
Google Maps

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino worker (OFW) na nakalusot sa parusang bitay ang nakauwi na sa bansa kahapon.

Si Jonard Langamin, isang seaman ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos patawarin ng gobyerno ng Saudi Arabia para hindi matuloy ang hatol ng korte laban sa kanya na ‘death penalty,’ tungkol sa pagpatay sa kapwa OFW na si Robertson Mendoza dahil lamang sa pagtatalo nang pigilan ng biktima ang suspek sa pagkanta nito noong 2008. Siya ay sinalubong ng kanyang pamilya sa paliparan.

Pinayuhan ni Langamin ang mga kapwa OFW na nais mag-abroad na huwag maging mainitin ang ulo upang hindi mapagaya sa kanyang sinapit at nagawang krimen.

Magugunita na namagitan pa noon si Vice President Jejomar Binay sa pamilya ng biktima at maging sa gobyerno ng Saudi Arabia upang patawarin na lamang si Langamin sa nagawang krimen. Nagbayad sa pamil­ya ng biktima ang gobyerno ng Pilipinas at ibinigay ang iba pang benepisyo sa pamilya nito.

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with