^

Bansa

Duterte lumabag sa Magna Carta ng kababaihan sa ‘rape joke’ - CHR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Duterte lumabag sa Magna Carta ng kababaihan sa �rape joke� - CHR
Ayon sa Commission on Human Rights, nilabag ni incoming President Rodrigo Duterte ang Magna Carta of Women nang magkomento hinggil sa paghalay at pagpatay sa isang Australian missio­nary kamakailan.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Nilabag umano ni incoming President Rodrigo Duterte ang Magna Carta of Women nang magkomento hinggil sa paghalay at pagpatay sa isang Australian missio­nary kamakailan.

Ito ang pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) sa gi­na­wang pahayag at kilos ni Duterte na umanoy isang pagtatanggi sa mga kababaihan na nakasaad sa naturang batas.

Inirekomenda ng CHR mula sa isang resulosyon na aksyunan ang isyu ng Civil Service Commission at Department of Interior and Local Government.

Ayon sa CHR, mayroon silang mandato na pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat indibiduwal at ipagtanggol ang mga taong nalalabag ang karapatan anuman ang posisyon sa pamahalaan ng inaakusahan ng paglabag sa batas.

“Pu***** ina, sayang ito. Ang nagpasok sa isip ko, ni-rape nila, pinagpilahan nila doon. Nagalit ako kasi ni-rape? Oo, isa rin ‘yun. Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang,” pahayag ni Duterte noon na na­ging viral sa social media sa kaso ng nagahasa at napatay na Australian na si Jacqueline Hamill na hinostage ng mga preso sa Davao City jail noong 1989.

Ang aksyon ng CHR ay bunsod sa ireklamo ng  WomanHealth Philippines, Kasarinlan para sa Kalayaan, Sentro ng Manggagawa ng Pilipinas, Labor Education and Research Network, at Sagip-Ilog Pilipinas laban kay Duterte.

vuukle comment

FEDERALISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with