^

Bansa

4 preso tiklo sa droga, armas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na preso ang nasamsaman ng droga at mga armas makaraang ilatag ang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Zambales Provincial Jail sa bayan ng Iba, Zambales kamakalawa.

Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona, bandang alas-8:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng CIDG Region 3 at Zambales PNP sa pamumuno ni P/Senior Supt. Benjamin Silo ang nasabing detention cell sa bisa ng tatlong search warrants.

Sinalakay ang mga detention cell nina Sharon “Mayor” Renz, Alex Crisologo, Ariel Acuavera, at Romeo Jamal.

Nasamsam ang 589 plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana (760 gramo),  brick ng marijuana (400 gramo), mga patalim, isang cal. 45 pistol, mga drug paraphernalia at mga  sachets ng shabu.

Ayon sa opisyal, ang raid ay isinagawa matapos na makatanggap ng impormasyon ang CIDG kaugnay sa bentahan ng illegal na droga sa nasabing piitan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with