^

Bansa

Leni presumptive VP-elect na – Macalintal

Pilipino Star Ngayon
Leni presumptive VP-elect na � Macalintal
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, ang pagkumpleto sa pagbilang ng boto para sa senador at party-lists ay patunay lang na totoo at tama ang prosesong dinaanan ng mga certificate of canvass (COC) dahil walang naitalang anumang pagtutol mula sa sinumang partido o kandidato sa lower board of canvassers level nang inihahanda at ipinapadala ang nasabing COCs.
STAR/File photo

MANILA, Philippines - Maaari nang tawaging presumptive vice president- elect si Leni Robredo.

Ito ang sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, lead counsel ni Robredo para sa gagawing bilangan sa Kongreso, batay na rin sa hawak nitong datos mula sa opisyal na website ng Commission on Elections (Comelec) at sa katatapos na proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups.

Ayon kay Macalintal, ang pagkumpleto sa pagbilang ng boto para sa senador at party-lists ay patunay lang na totoo at tama ang prosesong dinaanan ng mga certificate of canvass (COC) dahil walang naitalang anumang pagtutol mula sa sinumang partido o kandidato sa lower board of canvassers level nang inihahanda at ipinapadala ang nasabing COCs.

“Sinuman na nag-aakusa ng pandaraya o pagkakamali sa pagpapadala ng nasabing resulta ay dapat maglabas ng sariling kopya ng election returns o COCs na maaaring kunin sa boards of election inspectors o boards of canvassers,” wika ni Macalintal.

Paliwanag ni Macalin­tal, para patunayan ang pagkakamali o iregularidad sa pagpapadala ng nasabing resulta, kailangang patunayan ng sinuman na ang kanyang totoong kopya ng ERs o COCs ay hindi akma sa nakatala sa Comelec o sa Kongreso.

Ngunit iginiit ni Macalintal na mula nang simulan ang pagbibilang ng boto mula sa local level hanggang senatorial level, wala ni isang ER o COC ang ipinakita sa Comelec na hindi tumugma sa mahigit 93,000 ERs o sa libu-libong municipal, city or provincial COCs na nabilang ng iba’t ibang boards of canvassers o sa ginamit ng PPCRV para sa transparency ser­ver nito.

“Kaya, malinaw na hindi na maitatanggi o makokontra pa ang panalo ni Ms. Robredo sa vice-presidential race at may karapatan na siyang tawagin bilang presumptive Vice-President elect sa May 9, 2016 elections,” wika ni Macalintal.
Muling iginiit ni Macalintal na ang Comelec website ay isang opisyal na source ng resulta ng halalan noong ika-9  ng Mayo, 2016. 

Sa ulat ng Pilipinashalalan2016.com, makikita sa nationwide certificates of canvass (COCs) mula sa lahat ng lalawigan at highly urbanized cities na si vice-presidential candidate Representative Leni Robredo ay nakakuha ng 14,322,666 boto habang si Ferdinand “Bongbong” Marcos ay may 13,963,767 boto o lamang na 358,899.

Subalit, sa boto mula sa Overseas and Local Absentee Voters and Detainee, nakakuha si Marcos ng 188,959 boto laban sa 92,669 ni Robredo. Ito’y katumbas ng 96,290 kalamangan para kay Marcos.

Kapag binawas ang nasabing bilang (96,290) mula sa 358,899 botong kalamangan ni Robredo mula sa kabuuang resulta, nasa 262,609 boto pa rin ang kalamangan ni Robredo.

Habang isinulat ito, tanging ang resulta mula sa munisipalidad ng Rizal, Laguna ang hindi pa naitatala. Ito’y may kabuuang registered voters lang na 11,615 at hindi makakaapekto sa 262,609 botong bentahe ni Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with