^

Bansa

‘Bomba’ vs Katoliko, pasasabugin ni Duterte

Pilipino Star Ngayon
�Bomba� vs Katoliko, pasasabugin ni Duterte
Sa isang panayam, tahasang sinabi ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na isisiwalat nito ang mga kasalanan ng mga obispo kabilang na ang mga may anak at may mga kinakasamang babae.
AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines - Nakatakdang pasabugin ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte ang “bomba” laban sa Simbahang Katoliko bago ang kanyang pormal na panu­numpa at pag-upo bilang ika-16 pangulo ng bansa sa Hunyo 30.

Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Duterte na isisiwalat nito ang mga kasalanan ng mga obispo kabilang na ang mga may anak at may mga kinakasamang babae.

Tinawag pa ni Duterte ang Simbahang Katoliko na ‘pinaka-ipokritong institusyon’ nang sira-siraan siya sa pulpito ng mga pari sa pamamagitan ng pastoral letter upang ikampanya na huwag siyang iboto ng mga Katoliko.

Pero sa kabila ng pastoral letter na ito ng Simbahan, nanalo pa rin siya sa nakaraang May 9 elections kung saan ay nasa 6.2 mil­yon ang kanyang lamang kay Liberal Party bet Mar Roxas.

“They campaigned against me, everybody was saying ‘Do not vote for Duterte.’ Fine. I said, let this election be a referendum between me and the Catholic Church... Sabi ko, this will be a referendum kung sinong tama sa atin. Look, were you able to stop me? Iilan lang kayong mga obispo diyan,” dagdag pa ni Duterte.

Magugunita na ibinun­yag ni Duterte noong ka­sagsagan ng kampanya ang masamang sinapit nito sa kamay ng isang pari na umano’y nang-molestya sa kanya na nabigo niyang kasuhan. “Paano ako mag-file? Yung pari died 30 years ago and the incident happened during the 50s. Saan ka makahanap ng venue, ang prescription is about 20 years? Sinong idemanda ko? At sino ang accused?” dagdag pa nito.

Hinamon din ng incoming president ang mga obispo sa isang debate upang maibunyag niya ang mga pangalan ng mga obispo na may itinatagong mga anak.

“You have been castigating me or criticizing me -- you want a debate before I become president? Okay! Sinong...lahat ng bishops d’yan, tumindig kayo. I will tell you the sins of the Catholic Church beginning from the time the institution of the papacy was established,” giit pa ni incoming President Duterte.

“I will lecture until June 29 the sins of the Catholic Church, and whether or not you are still relevant. Alam mo, the most hypocritical institution is the Catholic Church,” dagdag pa nito.

“If I start to name the bishops who got married or about the women in their lives, sasabog itong [simbahang] Katoliko. Do not think you are the moralizing agents of the society. As long as you are a human being, you are going to fall down. You’re all pageantry,” giit pa ng susunod na pa­ngulo ng bansa.

Binatikos din ni Duterte ang paghingi ng mga obispo ng SUV kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Idinagdag pa ni Duterte, naniniwala siya sa Diyos pero hindi niya kailangan ang relihiyon para ipakita ang kanyang pananampalataya.

Sa kabila nito, nagbabala si Archbishop Emeritus Oscar Cruz kay Duterte na huwag niyang subukang kalabanin ang Simbahan dahil iba ang simbahan sa tao.

Ani Cruz, ang Simbahan ay 2000 taon nang nakatayo at marami nang pinagdaanan. Maaaring maabo na lamang ang isang lider pero ang Simbahan ay nananatiling nakatayo pa.

Pinayuhan nito ang lahat na huwag lang kalabanin ang Simbahan dahil baka ito ang dahilan ng pagbasak sa isang pamunuan.

Inamin ni Cruz na tama si Duterte na may kakulangan sila na mga obispo ngunit isipin lang umano na iba ang Simbahan sa tao.

Sa kabuuan, nanawagan ang retiradong obispo na magkaisa ang lahat para sa ikauunlad ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with