^

Bansa

Duterte no-no sa mga estudyante

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupo ng mga estudyante na kung nais mapanatili ang demokrasya sa ating bansa ay hindi dapat maluklok sa Malakanyang ang tulad ni Presidential candidate Rodrigo “Digong” Duterte na pinangangambahang mas magiging masahol pa sa administrasyon noon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

“We ask therefore the Filipino youth and the Filipino people in general to make your best choice other Mayor Duterte. The Filipino people deserve a president other than him,” pahayag ni PSBA-QC Student Council President Ranjee Alquitran sa student forum kahapon ng umaga na dinaluhan ng mga mag-aaral.

Ipinunto ni Alquitran na si Duterte ay hindi role model by his words, kalaban ng demokrasya, hindi siya diplomat at higit sa lahat ay walang respeto sa mga kababaihan at iba pang mga sektor sa ating sosyedad.

Naihayag din ng ilang estudyante na aabandonahin na ba natin ang mga magagandang kaugaliang itinuro sa atin ng ating mga magulang, ng mga nakatatanda at ng mga guro na huwag magsasalita ng masasamang pananalita kung saan ay kailangang maging maagap ang mamamayan na ipairal ang magagandang kaugalian o ‘good values’ at laging maitatak sa kaisipan ang litanyang “ang ginagawa ng matatanda ay nagiging tama sa paningin ng mga bata”.

Ipinunto naman ni PSBA- National Service Training Program at former National Youth Commissioner Evans Pino na ang mga kabataan ay dapat na maimulat sa kanila ang pangangalaga ng good values, kung saan ay napakahalagang pumili ng magiging presidente na magpapairal ng magandang pamayanan at si Duterte ay hindi karespe-respeto para sa posisyong presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with