^

Bansa

May 9 at 10 ‘National No Blackout Days’ – Recto

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Ralph Recto sa pamahalaan na tiyaking “National No Blackout Days sa Mayo 9 at 10, dahil kung walang kuryente, hindi magkakaroon ng eleksyon na magkakait sa mamamayan ng karapatang bumoto at iantala ang canvassing ng election returns.

Ginawa ni Recto ang panawagan makaraang isa pang transmission tower sa Lanao del Sur ang binomba at pinabagsak noong gabi ng Mayo 3.  Ikaanim na ang ganitong insidente sa Mindanao ngayong taon.

Ikinababahala ni Recto na ang gumugulong na blackout sa Mindanao o saan man sa bansa ay maaa­ring gamitin ng mga election saboteur para putulin ang kuryente sa ilang lugar tulad sa mga kinaroroonan ng mga eskuwelahan para hindi makaboto ang mga tao kahit sapat ang suplay.

Ang pinakamalaking panganib anya ay kung gagamitin ito bilang rason ng masasamang tao para biguin ang kagustuhan ng mamamayan sa araw ng eleksyon.

Hinikayat ni Recto ang mga law enforcement group na bantayang mabuti ang buong linya ng mga kuryente mula sa grid, tower hanggang sa distribution at kahit sa mga transformer na malapit sa mga eskuwelahan.

Nanawagan din siya sa mga rebeldeng grupo tulad ng NPA at MILF na ang mga teritoryo ay dinadaanan ng mga transmission line na bantayan at garantiyahan na walang masamang mangyayari sa mga tower at lahat ng power facilities.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with