^

Bansa

Chiz: Kaya ni Grace pagkaisahin ang bansa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa mga nangungunang kumakandidatong pa­ngulo, si Sen. Grace Poe lang ang kayang pagkaisahin ang bansa pagkatapos ng mainit na kampanya, ayon sa kaniyang running mate na si Sen. Chiz Escudero.

Ito ay dahil sa malinis na kampanya na dala ng senadora at ng mga kandidato ng Partido Galing at Puso. 

“Kaya malinis na kampanya ang aming dinala ni Senator Grace dahil nalalaman namin kapag tapos ng eleksyon, higit na mahalaga ang pagkakaisa ng bansa kung papaano natin mapagtatahi-tahi at mapapagtagpi-tagpi ang iba’t ibang kulay ngayong eleksyon,” sabi ni Escudero.

Ayon kay Escudero, kung pagbabasehan ang resulta ng mga nagdaang survey, magkakaroon ang bansa ng isang minority president na ibig sabihin ay makakakuha lamang ng maliit na porsyento ng boto ng populasyon ng bansa.

Kaya sinuman ang mahalal na mga bagong pinuno ng bansa, nararapat na suportahan ng mga Pilipino, anang beteranong mambabatas.

“Sa aking pananaw at palagay si Senator Grace ang may pinakamalaking tyansang magawa iyan dahil na nga naging malinis at maayos at tapat ang kampanyang itinatag namin nitong eleksyon,” sabi ni Escudero.

Kahit madalas na puntirya ng mga black propaganda at intriga, pinili ni Poe at Escudero na tahakin ang malinis na kampanya at iprisinta ang kanilang plataporma para sa isang “Gobyernong may Puso.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with