^

Bansa

5 dep’t heads ni Peña nag-‘alsa balutan’

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsampa ng limang buwang leave sa Makati City Hall mula Hulyo 1 ang limang panguna­hing deparment head na itinalaga ni acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Pena.

Kabilang sa mga magli-leave sina Ramila Cruzado, City Administration Head, General Services Department; Atty. Ariel O. Labra, City Secretary; Waldemar Dabuet, city engineer; Aileen Soriano, city budget officer; at Danny Villas, head, ABC/Department of Environmental Services.

Sinasabi ng mga impormante na ang naturang mga department head ay sasailalim ng study leave mula Hulyo hanggang Disyembre 2016.

Pero iba ang pana­naw ng mga tagamasid sa hakbang na ito ng naturang mga opisyal. Naniniwala silang naghahanda ang mga department head na ito sa panunungkulan ni Congw. Abigail Binay ng second district ng Makati City na nangunguna ngayong kandidatong alkalde sa lunsod para sa halalan sa Lunes.

“Nag-file ng study leave mula July 1 hanggang December ang mga department heads na itinalaga ni Mayor Kid Peña. Pahiwatig ito na tanggap na nila ang pagkatalo ni Peña kay UNA (United Nationalist Alliance) candidate Abigail Binay,” sabi ng mga tagamasid.

Sinabi naman ni UNA Communications Director Joey Salgado na nabasa niya ang isang internal survey na kinomisyon ng mga pribadong entidad na nagpapakitang pabor kay Abby Binay ang 70 porsiyento ng mga residente ng Makati.

Sinabi pa ng batang Binay na, kapag nahalal siyang alkalde, rerepasuhin niya ang mga programang ipinatupad ng acting mayor para suriin kung lehitimo ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with