INC, TUCP inendorso si Tolentino sa Senado
MANILA, Philippines - Inindorso rin ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) si senatorial candidate Francis Tolentino sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Pinasalamatan naman ni Tolentino ang pamunuan at buong miyembro ng INC sa pagtitiwala nila sa kanyang kakayahan para makapaglingkod ng tapat sa Senado para sa taumbayan. “I humbly thank the Iglesia ni Cristo for their endorsement. I am very overwhelmed by their support and I promise everyone that I will not let them down,” pangako ni Tolentino na numero 1 sa balota ng INC.
Tinawag naman ng TUCP si Tolentino na kampeon ng manggagawa kasunod ng pag-endorso sa dating chairman ng MMDA at alkalde ng Tagaytay City. Sinabi ng TUCP na idinaan sa masusing konsultasyon ang pagpili nila sa mga kandidato na ieendorso. Tinatayang nasa 1.2 milyong botante ang umano’y miyembro ng TUCP sa buong bansa.
- Latest