Tumatakbong alkalde sa Zambo, timbog sa pagpatay ng parak
MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang tumaktakbong alkalde sa Tampilisan, Zamboanga del Norte at dalaw apa niyang kasama kaugnay ng pamamaslang sa isang pulis kahapon.
Nakilala ang suspek na si Alson Chan, ng Alliance of Parties for Progress (APP), na tumatakbong alkalde sa Tampilisan.
Nag-ugat ang pagpatay kay Police Sr. Insp. Mirdan Usama nang rumesponde sila sa isang sumbong na mayroon armadong grupo sa lugar na kalaunan ay nalamang mga kasamahan ito ni Chan.
Bago pa makalapit ang mga pulis ay pinaputukan sila ng hanay ni Chan na ikinasawi ni Usama.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din siya ng buhay habang ginagamot.
Nabawi mula kay Chan at sa dalawa pang suspek ang pitong armas, kabilang ang isang baby armalite at anim na .45 pistol.
- Latest