^

Bansa

INC hindi kinumpirma ang pag-endorso kina Duterte, Marcos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga ulat ng pag-endorso kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand Marcos Jr., tumanggi naman ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ngayong Huwebes na kumpirmahin ito.

Sinabi ni INC spokesperson Edwil Zabala na kaagad naman nilang ipaaalam sa publiko ang kanilang pipiliing mga kandidato para sa eleksyon sa Mayo 9.

"Wala pa rin naman na nababago sa sinabi ko sa mga taga-press/media na nagtanong. Kapag nasabi na namin sa mga kapatid namin sa Iglesia kung sino ang napagakaisahang iboto ng INC ay malalaman din ninyo," wika ni Zabala.

BASAHIN: Duterte una pa rin sa Pulse Asia survey

Umiikot na umano sa iba’t ibang kapilya ng INC ang sample ballots kung saan nakalagay ang pangalan nina Duterte, Marcos at mga senatorial candidates tulad nina Manny Pacquiao, Sen. Franklin Drilon at Joel Villanueva.

Samantala sa panayam ng STAR kay Duterte kahapon, sinabi ng alkalde na wala pa siyang impormasyon tungkol dito.

Kasalukuyang nangunguna sa pre-election survey si Duterte, habang katabla naman ni Marcos si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with