^

Bansa

Droga, krimen sa Caloocan lumala - Recom

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinamon ni Caloocan mayoralty candidate Rep. Recom Echiverri si incumbent Mayor Oca Malapitan na ipaliwanag kung  bakit walang nagawa ang City Hall sa diumano’y lumalalang problema ng ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang lungsod gayong malaki ang pondong ginugugol nito para sa peace and order program ng siyudad.

Ayon kay Echiverri, walang maipaliwanag si Malapitan sa PDEA report na halos 100 barangay na sa lungsod ang may malaking porsiyento ng problema ng droga dahil sa hindi mapigil na pagbebenta doon ng shabu.

Pataas din nang pataas ang kaso ng murder, homicide at robbery gayung napababa na ng City Hall katulong ang pulisya at mga local opisyal ng barangay ang kriminildad noong siyam na taong panunungkulan ni Echiverri.

Ayon kay Echiverri, nabahala ang pulisya sa report na 27 ang murder cases sa Caloocan noong 2013 kahit  puspusan ang pagbabantay nila sa mga komunidad. Pero noong naupo si Malapitan, tumaas kaagad ng 150 ang murder cases sa lungsod.

Nakapagtala rin ng 12 homicide case noong 2013, pero isang taon pa lang umupo si Malapitan ay triple na kaagad ang taas ng mga kasong naitala ng pulisya.

Sabi ni Echiverri, ang problema, karamihan sa krimen na nangyayari sa Caloocan ay dahil sa mga drug addict na naglipana sa tabi ng mga eskuwelahan at mga residential na barangay.

Iminungkahi ni Echiverri ang unang dapat gawin ng City Hall ay magtatag agad ng isang “Rescue 911” para mapabilis ang responde ng mga awtoridad at hindi ang pagtatalaga diumano ng mga goons.

Nagtaka si Echiverri bakit inalis ni Malapitan ang curfew sa mga minor de edad sa mga barangay kaya’t halos linggu-linggo may ulat ng mga gang war at paglipana ng mga kabataang nalulong sa illegal na droga na nanggugulo sa mga komunidad. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with