^

Bansa

Presidential bets hiniling linisin ang basura sa eleksyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Senador Ralph Recto sa mga kandidatong presidente na atasan ang kanilang mga volunteer at precinct watcher na tumulong sa pagbabaklas ng mga poster at ibang campaign materials at paglilinis sa mga eskuwelahan pagkatapos ng halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Recto na inaasahang matatapalan ng mga printed paraphernalia ang mga eskuwelahan sa susunod na Lunes sa pagdagsa rito ng mahigit 54 na milyong rehistradong botante para bumoto ng bagong mga opisyal mula presidente pababa hanggang town councilor.

“Sa usapin ng kalinisan, ang mga eskuwelahan ang magiging collateral damage sa eleksyon,” puna ni Recto. “At hindi dapat pabayaan sa mga guro lamang ang mahirap na paglilinis dito. Dapat sumama ang mga kandidato at partido pulitikal.”

Idiniin niya na ang paglilinis pagkatapos ng halalan ay magiging mas madali kung uutusan ng mga kandidatong presidente at ng kanilang mga kandidato sa ibang posisyon  ang kanilang mga tagasuporta na lumahok sa paglilinis.

“Basta ako, aatasan ko ang mga  supporters ko na tanggalin lahat ng poster ko na mas konti naman kaysa sa iba at tumulong sa paglilinis,” sabi pa ni Recto.

Idinagdag ni Recto na, kung malilinis agad mula sa mga pananda ng halalan ang mga pampublikong paaralan, mas maagang maihahanda agad ang mga ito sa pagbukas ng klase sa Hunyo 13 na itinakda ng Department of Education.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with