^

Bansa

Plataporma ng Gobyernong May Puso makatao - Orbos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si dating Pangasinan Governor Oscar Orbos sa kapwa Pangasinense, na bumubuo sa pinakamalaking populasyon ng mga botanteng pamprobinsya sa bansa, na suportahan ang kandidatura nina Sen. Grace Poe at Francis Escudero.

Tinawag na “mga kampeon ng kapakanang panlipunan,” sinabi ni Orbos na ang nag-iisang independyenteng kandidatong si Poe at running mate nitong si Escudero, ang magdadala sa bansa sa bagong panahon ng pamamahala na hindi lamang magaling kundi may malasakit din.

“Isinusulat natin ang bagong kwento ng ating bayan sa pa­ngunguna nina Senador Grace Poe at Chiz Escudero, dalawang batang lider na magdadala sa atin sa malaking pagbabago, bitbit ang bagong mga ideya, bagong mga solusyon sa matagal na nating mga problema, bagong lakas, sigla at dedikasyon para harapin ang mga hamon ng ating milenyo,” ani Orbos.

Binigyang pansin ng dating executive secretary ni Pangulong Corazon Aquino, ang naging pagsuporta nina Poe at Escudero ng “Project Serendipity,” isang programa na nananawagan sa paglalaan taun-taon ng 20 porsyento ng lahat ng kita ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, pensyon at pabahay.

Sa isang bukas na liham na ipinamigay sa mga kabahayan, simbahan at pampublikong mga lugar, hinikayat ni Orbos ang mga botante na suportahan ang universal social security program na sinang-ayunan nina Poe at Escudero na tingnan kung mananalo sila sa eleksyon.

May 1.7 milyong rehistradong botante ang Pangasinan, na kung saan nagmula ang tatay ni Poe na si Fernando Poe Jr. at ito ang madalas na dalawin ng mga kandidato na tumatakbo sa pambansang posisyon. Sa iba’t ibang panahon, nagsilbi si Orbos bilang kongresista at gobernador ng nasabing probinsya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with