Magsasaka sa bansa suportado si Chiz
MANILA, Philippines – Patuloy na umaani ng suporta si Vice Presidential candidate Senator Chiz Escudero matapos na maghayag ng suporta sa kanya ang 15 milyong miyembro ng isang socio-civic organization sa buong bansa.
Nakuha ni Escudero, ang runningmate ni Presidential candidate Sen. Grace Poe ang tiwala at suporta ng People’s Coalition for Progressive Philippines (PCPP), Confederation of Coconut Farmers Organization of the Philippines (CONFED) at Tri-Council Mindanao.
Ang PCPP ay isang koalisyon ng 146 socio-civic organization na mayroong 15 milyong miyembro sa buong bansa.
Lumagda sa isang manifesto si PCPP Chairman Manuel Barbara Jr., kasama ang mga miyembro ng kanilang board of trustees na nagpapahayag ng kanilang buong pagsuporta kay Escudero.
“This is an assurance that the coalition will work for the election of Sen. Chiz Escudero as vice-president of the Republic of the Philippines,” ani PCPP vice-president for legal Atty. Rogelio Bolivar. Nangako ang PCPP na iluluklok nila si Escudero sa puwesto ng pagiging ikalawang pangulo ng bansa upang maipatupad nito ang makatao at may pusong gobyerno para sa bansa at sa mga Filipino.
- Latest