Food security tutukan ni De Lima
MANILA, Philippines – Tututukan ni LP senatorial bet Leila de Lima ang seguridad sa pagkain matapos na ihayag ng Sumilao Farmers na isa siya sa mga kandidato na kanilang susuportahan.
Ang Sumilao Farmers ay nagmartsa mula Bukidnon hanggang Manila upang ihayag ang kanilang suporta kay LP Vice Presidential bet Cong. Leni Robredo at De Lima.
Aniya, nakakagising ng damdamin ang ginawa ng 26 magsasaka ng isauli nito ang nagawa ng pamilya Robredo siyam na taon na ang nakakaraan.
“The farmers are the backbone of our economy and the protectors of our food security. It is high time that we return the favor. They just made their way to Naga City and have been warmly met by Leni there. It really gives me goose bumps especially looking back when they met Jessie and Leni in Naga nine years ago,” wika ni de Lima.
Noong 2007, nagmartsa sila mula Bukidnon patungong Manila para hilingin sa pamahalaan na ipatupad ang repormang agraryo at pagpapalawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
Nagbunga naman ito ng mapalawig ang CARP sa pamamagitan naman ng Republic Act (RA) No. 9700 o CARPER Law.
Sinabi ni de Lima na hindi pa rin naipapamahagi ang may 800,000 ektarya ng lupa sa Bukidnon.
Bukod sa mga magsasaka, isusulong din ni de Lima ang proteksyon sa mga mangingisda katutubo at kababaihan.
- Latest