^

Bansa

PNoy binantaang pupugutan ng ulo ng Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbanta ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na pupugutan ng ulo si Pangulong Aquino sa panibagong video na ipinalabas ng mga ito sa social networking site.

Sa 52 segundong video ng pinugutan ng ulong si Canadian hostage John Ridsdel ay nagbabala ang Sayyaf na kung magkakaroon sila ng pagkakataong mapasakamay nila si PNoy ay pupugutan rin ito ng ulo tulad ng sinapit ng naturang dayuhang bihag.

 “Noynoy Aquino, tignan mo kung hindi mo binibigay ‘yung ransom namin,a puputulan ko ng ulo ‘yung Canadian. Pati ikaw kung mahuli kita puputulan din kita,” ayon sa maskaradong Abu Sayyaf sa nasabing video.

Ang video ay ipinoste sa www.zerocensorship.com ay sumisigaw pa ang mga ito ng Alla Hu Akbar, ang battle cry ng mga bandido.

Makikita rin si Ridsdel sa video habang nagkakawag sa matinding kirot habang unti-unting pinupugutan ng ulo na tila hayop.

Sa video footage ay nagbanta rin ang mga bandido na isusunod na pugutan ng ulo ang isa pang Canadian na si Robert Hall na bihag pa rin ng mga ito kasama ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at ang Pinay na si Maritess Flor na itinatago sa Sulu. Ang mga ito ay kinidnap ng mga bandido sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte noong Setyembre 21, 2016.

Una nang humingi ng tig P1 bilyong ransom kada hostage ang mga kidnappers pero naibaba sa P300 M bawat isa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with