Duterte una pa rin sa Pulse Asia survey
MANILA, Philippines — Limang araw bago ang eleksyon, hawak pa rin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang tranko sa presidential survey ng Pulse Asia.
Nakakuha ng 33 percent si Duterte sa survey na pinondohan ng ABS-CBN Corp. Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng alkalde sa tuktok ng pre-election polls.
Umakyat naman sa ikalawang pwesto si Liberal Party standard-bearer Manuel "Mar" Roxas II, habang ikatlo si Sen. Grace Poe.
Maituturing na statistically tied sina Roxas at Poe sa 22 percent at 21 percent na nakuha nila.
Nasa ikaapat at panlimang pwesto naman si Bise Presidente Jejomar Binay (17 percent) at Sen. Miriam Defensor-Santiago (2 percent).
Isinagawa ang survey noong Abril 26 hanggang 29 kung saan 4,000 respondents ang kinuha mula sa buong bansa.
- Latest