UP nag-top sa Bar
MANILA, Philippines – Nanguna ang University of the Philippines sa 2015 Bar Examinations sa katauhan ni Rachel Angeli Miranda na nakakuha ng 87.40 percent. Nasa 26 percent lamang o 1,731 ang pumasa sa 6,000 kumuha ng pagsusulit na may passing grade na 75 percent.
Magugunitang apat na linggong isinagawa ang pagsusulit sa University of Santo Tomas noong nakaraang taon.
Ilan pang nasa top 10 Bar exam passers ay sina Plaza, Athena C. ng University of San Carlos, 87.25; Aguilar, Jayson C., UP 86.75; Arceo, Reginald M. ng Ateneo de Manila University , 86.70; Anderson, Mandy Therese M. ng Ateneo de Manila University, 86.15; Hernandez, Giselle P. UP, 86.10; Bustamante, Darniel R. ng San Beda College Manila 85.90; Jacildo, Jecca B. ng University of San Carlos, 85.85; Laut, Soraya S. ng Xavier University, 85.85; Tiu, Jericho R. ng Ateneo de Manila University, 85.85; Hernandez, Jedd Brian R. ng UP, 85.80 at 10. Buenaventura, Ronel U. ng Bulacan State University, 85.75.
- Latest