^

Bansa

Magsasaka para kay Leni dumating na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puno ng emosyon ang pagsalubong ni Tricia Robredo, pangalawang anak ni LP vice presidential candidate Leni Robredo, sa Sumilao farmers pagdating nila sa Metro Manila kahapon.

Hindi napigil ni Tricia na maiyak nang isa-isa niyang yakapin ang mga magsasaka, na ilang araw nang naglalakad mula Bukidnon patungong Maynila bilang suporta sa kandidatura ng kanyang ina.

“Hindi ko po alam kung ano po iyong ginawa namin para maging worthy at ma-deserve ang ginagawa nila,” wika ni Tricia matapos salubungin ang mga magsasaka sa Alabang, Muntinlupa.

“Ang dami po nilang iniwan. Iniwan po nila ang kanilang sinasaka, iniwan nila ang kanilang pamilya kaya hiyang-hiya po ako. Pero kasabay ng pagkakahiya, nagpapasalamat po ako sa kanila,” dagdag pa niya.

Ayon kay Tricia, isa sa pinaghuhugutan nilang magkakapatid ng ligaya tuwing nalulungkot ang kuwento ng Sumilao farmers.

Bilang miyembro ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (Saligan), ipinagtanggol ni Robredo ang karapatan ng mga magsasaka sa kanilang lupain.

Nang magmartsa ang mga magsasaka noong 2007 mula Bukidnon hanggang Maynila, sinalubong sila ni Robredo at yumaong asawa na si Jesse, noong mayor pa ito ng Naga City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with