^

Bansa

Suntukan isyu itinanggi ni Escudero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi ni Vice-presidential bet Sen.  Francis “Chiz” Es­cu­dero ang umano’y pa­kiki­pagsuntukan nito sa asawa ng kanyang presidential running mate Sen. Grace Poe na si Niel Llamanzares hingil sa usapin umano ng paghahawak ng campaign funds.

Ayon kay Escudero, ang nasabing balita ay maituturing na tsismis lang at nais lang na wasakin ang kanilang tandem ni Poe.

“Not true at all. No such incident, no such argument, no such fight,” ani  Escudero sa isang tv interview nito kahapon.

Ang nasabing tsismis umano ay nagnanais lang na makita ang Poe-Escudero tandem na bumagsak.

“Kesa naman sasabihin nilang may secret bank account ako o si Senator Grace, kesa naman sabihin nila na magnanakaw kami, ‘yun na lang siguro ang pwede nila talagang palabasin na isyu na nag-aaway kami,” dagdag pa ni Escudero.

Tiniyak pa ni Escudero na walang anumang uri ng tsismis o black propaganda ang maaa­ring makapagwasak ng magandang samahan nila ni Poe lalo pa’t 12-taon na niyang itong kasama mula na siya ay naging spokesperson ng namayapang ama nito na si dating action king Fernando Poe Jr.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with