^

Bansa

Chiz nanawagan ng pagkakaisa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkatapos ng halalan sinuman ang mahalal na mga bagong pinuno ng bansa, nararapat na suportahan ng mga Pilipino, ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Ginawa ni Escudero ang panawagan sa pagtitipon ng Jesus Miracle Crusade (JMC) sa Amoranto sa Quezon City nitong Mayo 1. Ayon kay Escudero, kung pagbabasehan ang resulta ng mga nagdaang survey, magkakaroon ang bansa ng isang minority president na ibig sabihin ay makakakuha lamang ng maliit na porsyento ng boto ng populasyon ng bansa.

“Ang hamon po para sa ating lahat, kung papaano po nating mapag-isa-isa muli ang ating bansa. Suportahan kung sino ang kinalooban ng Panginoon na manilbihan bilang mga bagong lider natin,” pahayag ni Escudero na sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga miyembro ng JMC na pinamumunuan ni Pastor Wilde Almeda.

Nanawagan naman ang beteranong mambabatas sa mga kapwa niya kandidato na pagsilbihan ng pantay-patay ang mga Pilipino naging kakampi man o kalaban sa pulitika.

Hinikayat din ni Escudero ang mga Pilipino na gamitin ang karapatang bumoto sa Mayo 9.

“Sana sa araw na yun, gamitin natin, hindi lamang ang karapatang yan, kung hindi ang kapangyarihang yan para bigyang-daan at tulay kung sinuman ang kaloob ng Panginoon na manilbihan bilang mga bagong lider ng ating bansa,” sabi pa ng senador.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with