^

Bansa

Nasa’n ang waiver? - Trillanes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nagpalabas kahapon ng bank waiver si Davao City Mayor Rodrigo Duterte para pasinunga­lingan ang akusasyon na nagkaroon ito ng nasa P211 milyong deposito na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth noong 2014.

Bigo si Sen. Antonio Trillanes IV na makuha ang waiver ni Duterte kahit pa personal siyang nagtungo sa branch ng BPI Julia Vargas branch sa Pasig kahapon ng umaga.

Unang itinanggi ni Duterte ang tungkol sa account pero inamin rin niya ito matapos lumabas sa social media ang isang bank deposit kung saan may nag-deposito ng P500 sa nasabing account nila ng anak na si Sara Duterte.

Pumayag rin si Duterte na buksan ang kanyang account sa kondisyon na magbibigay ang senador ng isang affidavit tungkol sa kanyang alegasyon.

“So gaya ng aking inaasahan, si Mayor Duterte ay naduwag sa katotohanan. Bago itong Lunes, nagsabi siya na pagka daw gumawa ako ng affidavit na sinabi ko kung sino, saan, kailan, papaano ko nakuha ‘yung mga dokumento ay magbibigay siya ng waiver para bubuksan niya lahat at makita natin ‘yung transaction history nung account niya. So nagbigay po ako ng affidavit, ito po ‘yun. Ganun pa man, hindi sila nagbigay at ang nirequest lang nila sa bangko ay yung account balances,” ani Trillanes.

Ayon pa kay Trillanes, malaki ang pagkakaiba ng bank waiver sa Special Power of Attorney na sinasabi ni Atty. Sal Panelo, abogado ni Duterte na nagtungo rin sa BPI branch.

Idinagdag rin ni Trillanes na hindi naman sa kanya ipinakita ni Panelo ang sinasabi nitong SPA ni Duterte.

Nauna ng sinabi ni Trillanes na hindi makikita sa account balances ang history ng mga pumasok na pera simula ng ito ay buksan.

Idinagdag ni Trillanes na hindi rin napasinunga­lingan ng kampo ng mayor na umabot sa P2.4 bilyon ang naging transaksiyon sa kanyang iba’t ibang accounts.

“Ang hinihingi lang nila ay balanse at hindi transaction history. Samakatuwid, may tinatago sa bayan si Mayor Duterte, at ang akusasyon kong may P2.4 bilyon na transaksyon sa kanyang bank accounts ay hindi niya napasinungali­ngan,” ani Trillanes.

Naniniwala si Trillanes na posible nailabas na ni Duterte ang laman ng kanyang bank account at nagtira na lamang ito ng konti upang sirain ang kanyang expose na may P211-milyon na itinatago ang alkalde sa BPI na hindi nito idineklara sa kanyang SALN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with