^

Bansa

Kidnapping, bank robbery bumaba bago eleksiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagmalaki kahapon ng Malacañang ang pagbaba ng insidente ng kidnapping at bank robberies kahit papalapit na ang eleksiyon.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III, kumpara sa mga nagdaang eleksiyon, sa ngayon ay halos walang balita ng bank robberies at kidnapping.

“Makikita rin natin, ito hindi ito in a sense scientific data but siguro mga kapatid natin sa media, nahalata nila ito. Matatandaan mo… pagdating ng eleksyon, palaging balita ng mga bank robbery, kidnapping, ‘di ba mga ganung bagay? Ngunit, sa election na ito, wala kang naririnig na ganung balita,” pagmamalaki ni Quezon.

Sinabi ni Quezon na maituturing itong good news na hindi lamang napapansin ng media at isa namang patunay na epektibo ang ginagawa ng Philippine National Police.

Kaugnay nito, nanawagan si Quezon sa mga mamamayan na makipag-tulungan sa PNP sa ginagawang checkpoint upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan.

Sinabi pa ni Quezon na naging matagumpay ang kampanya ng DILG sa ginawang paghihigpit sa pagbibigay ng lisensiya ng baril.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with