^

Bansa

Exodus ng senior HS sa public schools paghandaan - Gatchalian

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaghahanda ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Senatorial bet Win Gatchalian ang Department of Education sa pagdagsa ng senior High School Students mula sa pribadong paaralan patungo sa public schools.

Nagpahayag din ng pangamba si Gatcha­lian na mas dumami pa ang high school dropouts ngayon school year lalo na ang mga nasa pribadong paaralan dahil sa implementasyon ng K to 12.

Bukod dito marami na rin umanong pribadong paaralan ang poblemado dahil sa maraming estud­yante maging mga guro mula dito ang lumilipat na sa public schools para sa SHS program.

Ito ay dahil sa ang mga guro mula sa pampublikong eskwelahan ay binibigyan ng mas mataas na sweldo at mas mara­ming benepisyo kaysa sa mga pribadong paaralan.

Base sa pagtaya ng DepEd aabot sa 172 estudyante ang lilipat sa pampublikong eskwelahan ngayong taon dahil sa SHS program.

Kaya nasa DepEd na umano upang masiguro na ang mga ga­ling sa pribadong paaralan na lilipat sa public schools ay maa-accomodate sa pagbubukas ng klase sa Hunyo at hindi magkakaroon ng kaguluhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with