INC itinangging inendorso si Bongbong
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ngayong Biyernes na inendorso nila ang kandidatura ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ng INC na wala pa silang ineendorso at patuloy pa rin ang kanilang pagkilatis sa mga kandidato.
Naunang sinabi ni Marcos na ipinaalam sa kaniya ng INC nitong Martes na siya ang susuportahan sa pagkabise presidente para sa eleksyon sa Mayo 9.
BASAHIN: Bongbong inendorso ng INC?
Ilang kandidato sa pagkapangulo na ang nakipagpulong sa INC upang makuha ang boto ng buong samahan.
Noong 2010 ay sinuportahan nila ang tambalang Pangulong Benigno Aquino III at dating Interior Secretary Manuel "Mar" Roxas II.
- Latest