^

Bansa

Robredo hinayaan ang Ombudsman na tingnan ang kaniyang bank records

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumagda sa isang affidavit si Liberal Party (LP) vice presidential candidate at Camarines Sur Rep. Leni Robredo upang payagan ang Office of the Ombudsman na tignan ang kaniyang bank records.

"Binibigyan ko ng karapatan ang Ombudsman o sinumang opisyal na kinatawan nito na kumuha mula sa anumang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), ng mga dokumento mula sa lahat ng karampatang ahensiya ng pamahalaan na magpapakita na aking assets, liabilities, net worth, mga negosyo at anupamang pinansiyal na koneksyon," nakasaad sa affidavit.

"Isinusuko ko sa Ombudsman ang anumang karapatan at pribilehiyo sa ilalim ng Bank Secrecy Law at saklaw nito ang lahat ng bangko. Saklaw ng affidavit na ito ang mga taon kung saan nagsimula akong manilbihan sa pamahalaan," dagdag nito.

BASAHIN: Duterte hinamon si Trillanes na patunayan ang P211-M na paratang

Nauna nang lumagda ang running mate ni Robredo na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ng kaparehong affidavit.

Nilagdaan nina Roxas at Robredo ito sa kasagsagan ng isyu ng natatagong yaman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Isiniwalat ni Sen. Antonio Triallnes IV  na may bank account si Duterte sa Maynila na may lamang P211 milyon.

BASAHIN:  211M undeclared sa SALN: Wala kayong ideya kung gaano kayaman si Duterte – Trillanes

Aniya hindi ito isinama ni Duterte sa kaniyang 2014 statement of assets liabilities and net worth.

Pinabulaanan naman  alkalde ang mga paratang ni Trillanes.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with