^

Bansa

Peña no-show sa debate kay Abby

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi sumipot si Makati City Mayor Kid Peña sa nakatakda sanang debate kay Makati 2nd district Rep. Abigail “Abby” Binay noong Abril 27.

Sponsor ng Rotary Club ng Makati Business District, ang pinakaaba­ngang debate ng dalawa na nakatakda sanang ganapin sa Zobel Room ng Makati Sports Club. Mga 150 miyembro mula ?sa 10 Rotary Clubs of District 3830 ang dumalo sa naturang okasyon.

Sina Peña at Abby ay tumatakbo sa pagkapa­ngulo sa Makati sa Mayo 9. Kung mananalo si Abby, ito ang apat na pagkakataon na ang isang miyembro ng Binay ay magsisilbi sa Makati bilang meyor. 

Pinuna ni Abby, anak ni VP Jejomar Binay, ang hindi pagdalo ni Pena.

“Nakakalungkot na hindi niya pinahalagahan ang pagkakataon na humarap at magpahayag nang kanyang plataporma sa mga taga-Makati. Para sa akin, malaking responsibilidad na magbigay nang lahat nang impormasyon na kailangan upang ang mga taga Makati ay may sapat na basehan sa pagpili nang kanilang ma­yor,” ayon kay Rep. Binay.

Ipinaliwanag ni Rep. Binay kung bakit sya tumatakbo bilang meyor sa Makati na may slogan na “Serbisyong tunay, serbis­yong Binay.”

“Sana po patuloy ninyong suportahan ang tatay ng Makati, dahil ni minsan hindi kayo nawala sa kanyang puso at isipan. Sana po bigyan nyo po ako ng pagkakataon na mahalin din kayo, na paglingkuran din kayo, gaya ng ginawa ng tatay ko. Isang mala­king karangalan po para sa akin na maging susunod na mayor,” ayon kay Rep. Binay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with