^

Bansa

Megastar Sharon Cuneta, singers suportado si Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng suporta si Megastar Sharon Cuneta para kay LP vice presidential candidate Leni Robredo sa isang radio interview sa Cebu City noong Martes. 

“She’s poised, very sharp, and she will make a good Vice President,” wika ni Cuneta, na tumutulong din sa asawang si Kiko Pangilinan na makabalik sa Senado.

Hinikayat ni Cuneta ang mga nakikinig na iboto ang kanyang asawa at si Rob­redo, na tinawag niyang malapit na kaibigan.

Bukod kay Cuneta, nagpahayag din ng suporta ang actress/singer na si Agot Isidro sa pagtakbo ni Robredo, sa pagsasabing siya ang kanyang napili sa umpisa pa lang.

“I don’t get paid to endorse a candidate. I choose wisely; considering every candidate and the position they are vying for,” saad ni Isidro sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Isidro, nagustuhan niya ang ginawang pagtitimbang ni Robredo at pagkonsulta sa mga anak bago nagpasyang tumakbo.

Nagpahayag din ng suporta sina Tutti Caringal, vocalist ng 6cyclemind at konsehal ng Cabuyao, Laguna at Bituin Escalante, kay Robredo.

Humingi pa si Caringal ng fan sign mula sa kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur, na agad namang nagpaunlak.

Kilalang abogado ng mahihirap, nagbigay si Robredo ng libreng serbisyong legal sa mahihirap na sector ng lipunan, kabilang ang magsasaka, mangi­ngisda at inaabusong kababaihan sa mahabang panahon bago naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with