^

Bansa

Poe binatikos sa gimik nung Semana

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umani ng batikos si Sen. Grace Poe dahil sa ilang litratong lumabas sa social media, kung saan nagpunta sa simbahan si Poe at tila nagdarasal.

Bawal mangampanya noong nakaraang Semana Santa ang mga kandidato sa national at lokal na halalan kaya’t marami ang nadismaya sa naging gimik ni Poe, na tila hinanapan ng lusot ang regulasyon ng Co­melec sa araw na bawal ang kampanya.

Sa unang tingin ay walang masama dito ngunit napansin ng ma­raming nakakita sa lara­wan na isang pulutong ng photographer ang bitbit ni Poe, at tila nahahagip ng kamera ang bawat galaw nito.

Halos nasa mukha na ni Poe ang isang dosenang kamera habang nakaluhod ito at nagdarasal sa isang di nabanggit na simbahan sa Maynila. Imbes na makuha ng magandang reaksyon sa mga netizen, umani ito ng batikos.

Ayon kay Caroline Sotto, isang taga-suporta ni Senador Miriam Santiago, na halata daw na gimik ang ginawa ni Poe. “Kailangan ba talaga na may picture pag nagsimba? Mahirap kaya magdasal ng madaming istorbo,” sulat nito.

“Another showbiz government in the making! She let the paparazzi take pics of her praying? What is next? Sabagay, katulad ng sinabi niya sa simula ng kampanya, ipapagpatuloy lang niya yung inumpisahan ng tatay niya. So lahat dito scripted…pang Famas!” kantiyaw ng isang Greg Baac.

Ayon sa ibang nasubok na ipagtanggol si Poe, baka naman daw talagang dinumog lang ng photographer si Poe habang nagpunta ito ng simbahan. Hindi naman ito binili ng maraming netizen, at sinabing sinong ordinaryong tao ang nagdadala ng photographer sa simbahan ng walang espesyal na okasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with