^

Bansa

Chiz umaarangkada na!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Angat na angat na sa pinakabagong survey o siyentipikong pagsisiyasat si Galing at Puso vice presidential candidate Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.

Lumalabas na si Chiz ay mayroong 31 voter prefe­rence nationwide o siya ang gusto ng mga tao para maging bise-presidente sa inilabas na survey ng batikang Laylo group.  Mayroong 3,000 respondents sa 79 probinsiya at 17 siyudad sa buong bansa ang sumagot, at mayroong maliit na margin of error na 1.8 percent lamang. Ang survey ay ginawa nuong Agosto 29 hanggang Marso 4, 2016.

Pumapangalawa sa kanya si Sen. Bongbong Marcos na may 22%, kasunod si Leni Robredo sa 21%, Alan Cayetano, 10%; Antonio Trillanes, 6%; Gringo Honasan, 3% at 6% ang wala pang napipili o undecided.

Consistent ang mga boto ni Chiz sa NCR (32%), North at Central Luzon (31%), at Visayas (31%). Mayroon din siyang malaking kabig sa South Luzon o Bicol region na 37%, at 24% sa Mindanao.

Bagamat 45% si Bongbong sa North/Central Luzon, may kahinaan naman ang kabig niya sa Visayas (10%), South Luzon (13%) at Mindanao (14%). Sa NCR ay nasa 30% siya.

Ayon sa mga eksperto, bumaba ang suporta ni Bongbong ng lumabas ang mga pangunahing unibersidad o pamantasan sa bansa na bumabatikos sa pamumuno nuon ng mga Marcoses. Kasabay din ito ng paglulunsad ng mga mass movement na “never again,” na patutsada sa ‘Martial Law Era’ ni Ferdinand Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with