^

Bansa

‘Ano’ng golden age?’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Marcos at crony lang ang nakinabang sa Martial Law - PNoy

MANILA, Philippines - Hindi golden days para sa Filipino ang Marcos era kundi para lang sa pamilya Marcos at kanyang mga crony.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mensahe sa ika-30 taong anibersaryo ng EDSA People Power revolution kahapon ng umaga sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

“Golden age nga po siguro noon para sa mga crony ni Ginoong Marcos, at sa mga dikit sa kanya. Marami nga po akong kuwentong narinig: Noong panahon ng diktador, ang mga negosyante, ayaw magpalaki ng negosyo. Baka raw po kasi mapansin at agawin pa sa kanila ito ng mga nasa puwesto,” wika ng Pangulo.

“Napapailing na nga lang po ako, dahil may mga nagsasabi raw na ang panahon ni Ginoong Marcos ang siyang golden age ng Pilipinas. Siguro nga, golden days para sa kanya, na matapos na masagad ang dalawang termino bilang Pangulo, na katumbas ng walong taon, gumawa pa siya ng paraan na kumapit sa kapangyarihan. Napaisip nga ako: Pareho naman kaming naging Pangulo—ano kaya ang naging kalagayan natin kung tumotoo lang siya sa kanyang mandato sa panahong naroon siya sa puwesto,” giit pa ni PNoy.

Aniya, ang rehimeng Marcos din ay ang golden age sa paglaki ng utang ng bansa nang magsimula si Ginoong Marcos sa katungkulan noong taong 1965, nasa P2.4 bilyon ang utang ng pambansang gobyerno; sa pagtatapos ng 1985, dalawang buwan bago siya mapatalsik sa puwesto, nasa P192.2 billion na ang utang ng Pilipinas.

“At dahil hindi napunta sa dapat kalagyan ang pera, ang biyaya sa kani-kanila lang; ang pagbaba­yad naman, kargo natin hanggang sa kasalukuyan. Idiin pa po natin: Golden age ng tinatawag na brain drain. Golden age ng pag­lisan ng mga OFW papun­tang Gitnang Silangan. Ngayon sa atin ay golden age na ng pagbabalik ng mga OFW. Noon, golden age ng mga New People’s Army, na dahil sa pagkadismaya ng taumbayan ay sinasabing lumobo mula sa 60 katao tungo sa 25,000 ang hanay noong pagtapos ng Batas Militar. Umabot nga sa puntong ginagamit na ang Davao bilang urban laboratory ng NPA, bilang paghahanda sa paglusob nila sa iba’t ibang siyudad. Hanggang sa ngayon, batid pa rin natin ang panggugulo nila sa mga pinakaliblib na pamayanan ng bansa,” patutsada pa ng Pangulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with