^

Bansa

Sariling x-ray ng Saudi sa NAIA hiling laban sa terorismo

Rudy Santos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling umano ng pamahalaang Saudi sa Department of Foreign Affairs na payagan silang maglagay ng sarili nilang x-ray machine sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport terminal 1 at sa isa pang malapit sa kanilang boarding gate na gagamitin lang sa mga Saudi flight para mapangalagaan ang mga pasahero at ang eroplano.

Ang kahilingan na ginawa sa pamamagitan ng embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas ay pinadala sa DFA bago ipinasa sa Manila International Airport Authority para sa pagpapaapruba rito.

Ayon sa mapapanaligang impormante sa pali­paran, nais ng pamahalaang Saudi na makapag­lagay agad ng x-ray machines sa NAIA sa panahon ng kanilang mga biyahe mula Manila patungong Saudi Arabia dahil sa natanggap nilang isang confidential information na ilang hindi pa natutukoy na mga terorista ang nagpa­planong bombahin ang mga eroplano ng Saudi Arabia. Nasa ilang lugar na umano ng Southeast Asia ang mga teroristang ito.

Layunin ng pagkaka­bit ng x-ray machine na mapigilan ang anumang hakbang ng hinihinalang mga terorista na bombahin ang kanilang eroplano saan mang bahagi ng Asia dahil sa matagal nang tunggalian ng Saudi Arabia at Iran na umaabot na umano sa Souteast Asia.

Napaulat na pinutol ng Saudi Arabia ang relasyong diplomatiko nito sa Iran makaraang maatake ang embahada ng Saudi sa Tehran kasunod ng pagbitay ng kaharian sa Shia religious leader na hinatulan ng parusang kamatayan dahil sa kasong terorismo. Kasama sa binitay ang 46 na Sunni Muslim karamihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with