^

Bansa

Win no. 8 na sa senatorial race

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang laban sa Senado ni Valenzuela City Congressman Sherwin “Win” Gatchalian gaya ng ipinakita sa pinakahuling survey ng beteranong pollster na si Junie Laylo.

Sa Laylo survey na isinagawa noong Enero 27-Pebrero 4, umakyat na sa ikawalong puwesto si Gatchalian na may 35 percent voter preference na halos patas sa sumunod sa kanyang si Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso na nasa pang-siyam na puwesto. 

Kapwa tumatakbong senador sina Gatchalian at Domagoso sa ilalim ng Partido Galing at Puso (PGP) nina Senador Grace Poe at running mate na si Francis “Chiz” Escudero. Sa Laylo survey pinakamataas na ranggo na naitala para kay Gatchalian na unang nakapasok sa “Magic 12” noong Disyembre na survey ng Pulse Asia kung saan No. 12. 

Pumasok din sa winning circle si Gatchalian sa pinakahuling survey ng Pulse Asia nitong Enero kung saan naka-puwesto siya sa No. 11-13 kadikit ang mga administration bets na sina reelectionist Senator Teofisto “TG” Guingona Jr. at dating Akbayan partylist Rep. Rissa Hontiveros-Baraquel na dalawang beses na ring natalo sa senatorial election.

Kabilang sa mga panukalang batas ni Gatchalian ang House Bill No. 5905 o ang “Free Higher Education Act” na aprubado na ng House Committee on Higher and Technical Education. Layunin ng HB 5905 ang 100 percent free tuition sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) partikular sa undergraduate at certificate degree. 
Tinatayang dalawang mil­yong estudyante sa may mahigit 100 SUCs ang mabibiyayaan ng panukalang batas ni Gatcha­lian na kanyang isusulong sakaling palarin siyang maging senador sa 2016 elections.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with