^

Bansa

Kaso ng kidnap for ransom bumaba - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumaba ang mga kaso ng kidnap for ransom (KFR) na karamihang mga biktima ay mga mayayamang negosyante at mga dayuhan noong nakalipas na taon kumpara sa nakalipas na dalawang taon sa bansa.

Ito ang inihayag ni Sr. Supt Roberto Fajardo, Director ng Philippine National Police- Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa ika- 4 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP-AKG.

Ayon kay Fajardo, sa taong 2015 ay nakapagtala ng 38 kaso ng KFR kung saan 16 sa Luzon, 2 sa Visayas Region at 20 naman Mindanao na mas mababa kung ikukumpara sa 2013 na 51 kaso habang 52 kaso noong 2014.

Sinabi ni Fajardo na malaki ang ibinaba ng kaso ng KFR dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad, pamilya at mga biktima na nagsampa ng kaso laban sa mga kidnaper.

Aminado naman ang opisyal na nahihirapan silang lutasin ang isang kaso ng KFR lalo na’t ayaw makipagtulungan ang mga biktima maging ng kanilang pamilya dahil sa takot sa pagbabanta ng mga kidnaper.

?“We are asking them lalo na yung mga hindi pa nagpa-file ng complaint, magsampa na sila para habulin natin yung mga kidnappers kasi it’s time for the kidnap victims to fight back,” punto pa ng opisyal.

Sa panig naman ni Teresita Ang See, founding chairman ng Movement for Peace and Order, tatlong kaso na ng KFR ang kanilang naitala sa unang bahagi ng taon, isa sa Metro Manila at dalawa naman sa Tarlac.

“There was really a big improvement in the anti-kidnapping campaign, especially when it comes to the success of manhunt operations, the biggest kidnap-for-ransom group has been neutralized,” giit nito.

Nabatid pa kay See na noong nakalipas na taon ay umaabot sa 30 kaso ng KFR ang kanilang naitala partikular na noong Disyembre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with