^

Bansa

Comelec nagsagawa ng mock elections

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng ilang ‘minor problems’ ang Commission on Elections (Comelec) sa isinagawang nationwide mock elections na ginawa sa 40 mga lugar kahapon.

Sa Quezon City, ba­gamat maayos na nai­sagawa ang mock election sa dalawang barangay sa District 1 ng Quezon City, na sinalihan ng may 1, 469 residente ay dumanas naman ng pagkalito ang mga botante doon dahil ang pangalang nakatala doon ay pawang mga dayuhang pangalan ng artista.

Gayunman, natuloy pa rin ang mock election kahit may ka­bagalan ang proseso sa panig ng mga botante.

Sa Brgy. Bagong Pag-asa ay nilahukan ng 763 voters samantalang sa Brgy. San Isidro Labrador ay nilahukan naman ng 706 voters.

Nagkabit naman ang Comelec ng mga signages at posters sa nasabing lugar upang i-guide ang mga botante.

Sa pagbisita naman ni Comelec Chairman Andres Bautista sa trial voting sa H. Atienza Elementary School sa Maynila, napuna nito ang mabagal na paraan ng pagboto.

May mga nakausap umano siyang bo­tante na gumugol ng mahigit 10 minuto para sa vo­ting process, bagay na lubhang mabagal kaysa sa inaasahan nilang da­lawa hanggang tatlong minuto lamang.

May iba naman na nagkaproblema sa pagkalat ng tinta sa kanilang balota.

Pero karamihan naman aniya sa mga ballot sheet ay binasa ng tama ng vote counting machines (VCM).

Ilan sa mga pinagpi­lian para sa presidential mock elections ay pa­ngalan nina Justin Bieber, Michael Jackson, Katty Perry, Selena Gomez at Taylor Swift.

Ipinaalala na lamang ni Bautista ang anim na paraan para sa tamang pagboto.

1. Hanapin ang pa­ngalan sa computerized voters list sa labas ng silid;? 2. Ikukumpara ito ng election teller sa voters list na hawak nila;? 3. Bibigyan ng balota at folder ang botante;? 4. Boboto siya sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto;? 5. Isasalang ang balota sa vote counting machine at titingnan kung tugma ang nabilang ng makina sa kaniyang mga itinala;? 6. Lalagyan ng indelible ink sa daliri ang successful voter at lalabas sa polling center.

Nilinaw ng Comelec na layunin ng mock election na masubukan at tiyakin ang seguridad, accuracy at capability ng mga vote counting machines na gagamitin sa aktuwal na halalan sa May 9 at makita ang mga system glitch na pwedeng maranasan sa mismong araw ng botohan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with