Dengue vaccine ipapamahagi sa Abril
MANILA, Philippines - Ipapamahagi na ng Deparment of Health sa Abril ang mga dengue vaccines para sa mga public school students na nasa National Capital Region, Region III at Region IV-A.
Ayon kay DOH spokesman Lyndon Lee Suy, ang mabibigyan ng free vaccine ay Grade 4 students mula sa lahat ng public schools maliban na lamang ang mga nasa edad 9.
“Itong (Dengvaxia) bakunang ito para sa 10 hanggang 45 years old,” ani Lee Suy.
Tatlong bakuna ito na ibibigay sa mga estudyante.
Una nang sinabi ni Dr. Rose de los Reyes, president ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases, na ang Dengvaxia ay para sa apat na uri ng dengue. Mabibili na ito sa ilang private hospitals at botika ng pamahalaan.
- Latest