Source code sa halalan naideposito na sa BSP
MANILA, Philippines - Naideposito na sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang tatlong source code na gagamitin sa Eleksyon 2016.
Ito ay ang source code para sa Election Management System, Consolidation and Canvassing System at Vote Counting Machine.
Mismong si Comelec Chairman Andres Bautista ang naghatid ng mga source code sa vault area sa basement ng multi storey building ng BSP.
Ang pagdeposito ng source code sa BSP ay bilang pagtalima sa itinatakda ng Automated Elections Systems Law o RA 9369 bilang bahagi pagtiyak sa integridad ng eleksyon.
Ang source code ay naka-save sa mga USB o thumb drive at inilagay sa loob ng mga safety box.
Tatlo ang mga kahon na nasa vault ng BSP para sa Eleksyon 2016 at naruon pa rin ang una nang Election Management System source code na idineposito nuong January 26.
- Latest