^

Bansa

1st pres’l debate all set na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “All set” na ang magiging kauna-unahang presidential debate para sa mga kandidato sa 2016 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, muling nagpulong ang mga stakeholders para plantsahin ang ilan pang nalalabing paghahanda bago ang debate sa Cagayan de Oro City sa Pebrero 21, 2016.

Kabilang sa nagharap kanina ang mga opisyal ng poll body sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista, Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) national chairman Herman Basbaño, KBP president Ruperto Nicdao Jr. at mga kinatawan ng mga katuwang na media organizations.

Sa pagtaya ng Comelec, halos kumpleto na ang preparasyon at inaasahang magiging batayan na rin ito ng mga susunod na debate sa Visayas at Luzon.

Ang 1st presidential debate ay gagawin sa Pebrero 21, 5-7 pm sa Mindanao; 2nd presidential debate sa Marso 20, 5-7 pm sa Visayas; 3rd presidential debate – Abril 24, 5-7 pm sa Luzon at ang vice-presidential debate ay itinakda sa Abril 10 sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with