LP senatorial bet idinepensa ni Tom Cruise sa netizens
MANILA, Philippines - Ipinagkibit-balikat lamang ng kampo ng Hollywood actor na si Tom Cruise ang pagbatikos ng mga netizen na ginagamit umano ni Liberal senatorial candidate at dating Coop NATCCO Party List Rep. Cris “Mr. Coop” Paez sa politika ang higante nitong billboard na nakalagay sa North Luzon Expressway (NLEX) Exit, Santa Maria, Bulacan.
Natawa lamang ang kampo ng actor sa naturang isyu at nilinaw nito sa pamamagitan ng abogado nitong si Bert Fields, na hindi ginagamit ni Paez at hindi niya ito iniindorso at isang billboard lamang ito, kaya’t huwag bigyan ng kulay.
“I’m giving senate candidate a Filipino pass. Since the ad’s meant to be funny and doesn’t imply an endorsement, I’m sure Tom’s not going to assert the right to protect his name and likeness,” ayon kay Fields na nakasaad sa artikulo ng TMZ.com Tom Cruise.
Ang naturang artikulo ay reaksiyon sa naka-post at viral sa Facebook hinggil sa pagkondena ng netizen, na ginagamit umano ni Paez ang actor sa pagtakbo nito sa pulitika.
Samantala, nagtungo ang team Paez noong Huwebes sa Bicol Region upang humingi ng tulong at suporta para sa pagtakbo nito sa “Daang Matuwid” o Liberal Party senatorial slate.
“Our lack in resources is compensated by the warm bodies from the cooperative movement that are now volunteering for the campaign,” ani Paez.
- Latest